ABA, NANG AKOY NAKATAWID
ANG JIP'Y HUMINTO SA AKING GILID
YAON PALA AKO'Y PINASASAKAY
AT SWERTE KONG TUNAY
SA UNAHA'Y SI ALING TINTAY
KAIBIGAN NI NANAY
KAMI'Y NAGKWENTUHAN
NA PARANG NAGHAHABULAN
TAWAG NA DE METRO
PARANG CELLPHONE NA USONG USO
MAYA MAYA'Y NAGDAGSAAN
MAG BATA'Y NAGSISAKAYAN
WARI MO'Y MGA DAGANG
SA LUNGGAY KALALABAS LANG
SA LIKURAN KO'Y NANAMAN
MAG JOWANG NAGLALAMPUNGAN
HAWAK KAMAY MAG-ASALAN
AKALA MO'Y AABOT SA KASALAN
SA KALSADA'Y UMAALINGAWNGAW
PANGALAN NI MAYOR'Y BUMUBULYAW
NANG ANG KALABA'Y NAPADAAN
AKALA MO'Y DEBATE SA KAKALSADAAN
HANGGANG SA AKO'Y BUMABA
AT SI MANONG SA IBAYO AKO'Y BINABA
AYAN TULOY AKO'Y NAGLAKAD
SAPATOS KO'Y NAKAKALADKAD
0 comments:
Post a Comment