KANINA HABANG AKOY NASA JEEP, BANDANG 8:45 NANG UMAGA,
SA ISANG MULTICAB NA KUNG TAWAGIN AY JEEP
IBAT-IBANG TAO ANG NAKASAKAY:
SA KAKAUNTING ESPASYO
NAGSISIKSIKAN AT NAGSISIKUHAN
BABAE O LALAKI, BATA O MATANDA
HINDI KO MAIWASANG MAKINIG SA KANILANG KWENTUHAN
DAHIL NGA SA AKOY WALANG MAPAGLILIBANGAN
SA AKING HARAPAN LALAKING NAGTATAWAN
GALING OVER TIME AT SILAY INAANTOK PAMAN
ANG KANILANG PAGKAHILO'Y NILILIBANG
SA KWENTUHANG PURO TAWANAN
JOKE DITO JOKE DOON
PURO NA LANG BUNGISNGISAN
NANG KAMI AY MAPADAAN SA KALYE NG REAL
SA BANDANG SEMENTERYO
AT ST. PETER'S LIFE PLAN
ANG WARI NUNG NAKA BLUE,
"TOL, AMU ITON IT HOTEL, HOTEL HA KADAYUNAN"
(YAN ANG HOTEL, HOTEL PANG MAGPAKAILANMAN)
AKOY BAHAGYANG NATAWA NUNG IYO'Y KANYANG BINIGKAS
TAMA NGA NAMAN
IYO'Y HOTEL NG MGA WALANG BUHAY
AIRCONDITIONED AT WIFI PA
SOSYAL KAMO SABI NUNG ISA
DAHIL SERVICE DE LUXE AT MAY RECEPTIONIST PA.
0 comments:
Post a Comment